MENU

Ligtas na naihatid ng BRP Suluan (MRRV-4409) ang 11 tonelada ng relief supplies sa tatlong isla ng Bohol na nasalanta ng Bagyong #OdettePH – ang Balicasag Island, Pamilacan Island, at Tintinan Island – kahapon, ika-04 ng Enero 2022.

Nakipag-koordinasyon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa LGU ng Bohol para maisakatuparan ang naturang misyon.

Katuwang ang mga residente, mabilis ding naipamahagi ang 140 sako ng bigas, 102 bundle ng purified drinking water, at 70 sako ng delata sa mga pamilyang bumabangon sa epektong iniwan ng nagdaang kalamidad.

Naganap ang relief transport mission na ito pagkatapos maihatid ang nasa 15 toneladang donasyon mula Maynila papuntang Cebu City.