MENU

Kahapon, ika-11 ng Enero 2022, nakiisa ang Philippine Coast Guard (PCG) District Northeastern Mindanao sa pamamahagi ng relief packs para sa mga pamilyang bumabangon sa epekto ng Bagyong #OdettePH, partikular sa Dinagat Islands at Surigao del Norte na bahagi ng Caraga region.

Dumating ang anim na malalaking containers na naglalaman ng iba't-ibang donasyon mula Maynila papuntang Caraga sakay ng isa sa mga barko ng PHIL SPAN ASIA na kabahagi ng Task Force Kalinga sa malawakang relief transport mission nito.

Sa kasalukuyan, humigit-kumulang 2,000 tonelada na ng relief goods at critical supplies ang naihatid ng PCG, PCG Auxiliary (PCGA), at mga katuwang na shipping companies sa mga rehiyong nasalanta ng nagdaang kalimidad kabilang ang MiMaRoPa, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, at Caraga.