MENU

Handang-handa na ang Philippine Coast Guard (PCG) sa ELEKSYON 2022 na gaganapin sa Lunes, ika-09 ng Mayo 2022!

Kahapon, ika-02 ng Mayo 2022, ininspeksyon ni PCG Commandant, CG Admiral Artemio M Abu ang mga aluminum boats at personal watercrafts na idedeploy para makatulong sa mga election-related operations ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay CG Admiral Abu, handang-handa na rin ang mga PCG personnel na makikibahagi sa MULTI-AGENCY SEND-OFF CEREMONY kaugnay sa nalalapit na halalan na isasagawa sa Camp Crame, Quezon City bukas, ika-04 ng Mayo 2022.

Liban sa PCG, bahagi rin nito ang Department of Education (DepEd), Armed Forces of the Philippines (AFP), at PNP na panungunahan naman ng Comelec.