MENU

Alam nyo ba na ang Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA), ang civilian volunteer force na siyang katuwang ng PCG, ay mas pinalakas at pinalawig sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa kasalukuyan, nasa 19,767 ang miyembro ng PCGA, kung saan 19,510 dito ay PCG Regular Auxiliarists at 257 ang PCG Executive Auxiliarists na binubuo ng mga fishermen, boat owners, operators, at community leaders na boluntaryong nakiisa sa ahensiya at boluntaryong ibinibigay ang kanilang oras at kakayahan upang makatulong sa ating mga kababayan at komunidad.

ANO NGA BA ANG LAYUNIN NG PCGA?

Layunin nito na mas palawakin ang mandato ng PCG sa pangangalaga ng ating karagatan, protektahan ang maritime environment at ang pagsasagawa ng mga humanitarian missions at disaster response operations sa oras ng pangangailangan, kagaya ng pagbaha, lindol at anumang health crisis. 

Alinsunod din ito sa kautusan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade na mas palawigin at palakasin pa ang puwersa ng PCG na ngayon ay pinamumunuan ni PCG Commandant, CG Admiral Artemio M Abu.

Sa ngayon, tuluy-tuloy pa ang pag-recruit sa mga nais maging miyembro ng modern PCG at PCGA para sa mas malakas, mas matatag at mas maaasahan na PCG!