MENU

Nakibahagi ang dalawang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa RESUPPLY MISSION ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa BRP Sierra Madre (LS-57) sa Ayungin Shoal noong ika-02 ng Agosto 2022.

Siniguro ng BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) at BRP Malapascua (MRRV-4403) na MAGIGING LIGTAS ang sasakyang pandagat na "M/V UNAIZA MAE 2" na may kargang pagkain, gamot, damit, maintenance and repair equipment, at iba pang pangangailangan ng mga sundalong naka-deploy sa BRP Sierra Madre (LS-57).

Dagdag pa rito, nagsagawa rin ng MARITIME PATROL AT REPROVISIONING MISSION ang BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) sa Patag Island, Likaw Island, Lawak Island, at Pag-asa Island na binabantayan ng PCG Station Kalayaan sa Kalayaan, Palawan.

Bahagi nito ang mga SCHOOL SUPPLIES PARA SA MGA KABATAAN NG PAG-ASA ISLAND bilang paghahanda sa nalalapit na pagsisimula ng klase.

Kahapon, ika-04 ng Agosto 2022, bumiyahe naman papuntang Puerto Princesa, Palawan ang BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) para maghatid ng relief packs, kahung-kahong gamot, hospital beds, medical equipment, at iba pang pangangailangan mula sa gobyerno.

Samantala, nakatanggap rin ng karagdagang supplies ang PCG District Palawan, PCG K9 unit sa Palawan, at ang 3rd Marine Brigade.

KARAGDAGANG DETALYE:

https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=386497540287653&id=100067822296070&sfnsn=mo

https://www.facebook.com/wescom/posts/421218996707067