MENU

Sabay na sumasabak sa Water Search and Rescue (WASAR) training ang 29 na Philippine Coast Guard (PCG) personnel at 24 na Philippine Army (PA) personnel at reservists sa General Santos City!

Sa limang araw na pagsasanay na nagsimula noong ika-16 ng Mayo 2022, tinatalakay ang Basic Life Support (BLS), water safety, search and rescue (SAR), at survival techniques tuwing may aksidente sa karagatan.

Sumasailalim din sila sa Rubber Boat Operation and Maintenance (RBOM) training.

Nakibahagi sa convening ceremony sina Colonel Galileo Goyena Jr, ang Commander ng Task Force Gensan; at CG Captain Hector Rafin, ang Deputy Commander ng PCG District Southern Mindanao.