MENU

Siniyasat ng Philippine Coast Guard (PCG) Task Force Bayanihan Returning Overseas Filipinos (TF-BROF) ang Operations Center (OPCEN) ng Task Group Bantay Bayanihan (TGBB) sa Pasay City, na nakatalaga upang masiguro na ang mga Returning Overseas Filipinos (ROFs) at Overseas Filipino Workers (OFWs) ay mahigpit na sumusunod sa mga alituntunin at quarantine protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ang TGBB ay bahagi ng One-Stop-Shop for the Management of Repatriating Overseas Filipinos (OSS-MROF) at kaakibat ng iba't-ibang mga ahensya ng gobyerno katulad ng Department of Tourism (DOT), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Bureau of Quarantine (BOQ), at ang kapulisan ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Tagubilin ni Secretary of Transportation ATTY. ARTHUR P TUGADE sa PCG na gawin ang lahat ng makakaya para masuportahan ang operasyon ng ating pamahalaan laban sa COVID-19 pandemic. Ito ay mariing ipinaabot ni PCG Commandant, CG ADMIRAL LEOPOLDO V LAROYA sa hanay ng TF-BROF.

Ang Task Group Bantay Bayanihan ay pinamumunuan ni CG COMMO ALLEN DALANGIN; Deputy Commander TGBB, CG CDR NELSON TIMBANG at TGBB Operations Officer, CG LTJG ADRIAN MADRID, na may mga tauhang naghahalinhinan at nakatalaga sa 107 hotels sa NCR. 650 hotels ang kasalukuyang binabantayan ng pinagsanib na puwersa ng pamahalaan.

Pinarating din ni TF-BROF Commander, CG VADM ROLANDO LIZOR N PUNZALAN JR sa mga tauhan ng TGBB na mag-iingat sa pagganap ng kanilang tungkulin upang maiwasan na sila ay mahawahan ng COVID-19 virus. Pinasalamatan din niya ang PNP-NCRPO personnel na nakatalaga sa hotel kung saan naroroon ang TGBB OPCEN na kaakibat ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno na nagtutulong-tulong sa mahigpit na pagpapatupad ng mga quarantine protocols.

[Photos Courtesy of the PCG Task Group Bantay Bayanihan]