MENU

Nasa Japan ang Philippine Coast Guard (PCG) inspection team para sa huling "harbor acceptance test and inspection" ng MRRV-9702 na kikilalanin bilang BRP MELCHORA AQUINO!

Maglalayag ito papuntang Pilipinas sa ika-27 ng Mayo 2022. Aabutin ng limang araw ang biyahe kaya inaasahang darating ang naturang barko sa ika-01 ng Hunyo 2022.

Ayon sa Commanding Officer ng MRRV-9702 na si CG Commander Patrick Babag, mahalaga ang isinasagawang inspeksyon para masigurong “fully compliant” ang barko sa technical specifications na nakasaad sa kontrata.

Sabay na sumasabak sa Water Search and Rescue (WASAR) training ang 29 na Philippine Coast Guard (PCG) personnel at 24 na Philippine Army (PA) personnel at reservists sa General Santos City!

Sa limang araw na pagsasanay na nagsimula noong ika-16 ng Mayo 2022, tinatalakay ang Basic Life Support (BLS), water safety, search and rescue (SAR), at survival techniques tuwing may aksidente sa karagatan.

Sumasailalim din sila sa Rubber Boat Operation and Maintenance (RBOM) training.

Nagtulungan ang Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fire Protection (BFP) sa pag-apula ng sunog sa Barangay 649 Baseco, Maynila bandang 08:00 p.m. kahapon, ika-19 ng Mayo 2022.

Nadiskubre ng PCG Sub-Station Delpan ang naturang insidente habang nagpapatrolya. Agad nilang tinawagan ang BFP para humingi ng tulong, habang inalertuhan naman ang mga barko at iba pang sasakyang pandagat na malapit sa pinangyarihan ng sunog.

Liban sa 10 PCG assets na dineploy para apulahin ang sunog at ilikas ang mga residente, sumaklolo rin ang Quick Response Team ng PCG Auxiliary (PCGA) 101st Squadron.

The Philippine Coast Guard (PCG) has called for unity in protecting the marine environment during the Regional Marine Pollution Exercise (MARPOLEX) 2022 in Makassar, Indonesia today, 24 May 2022.

PCG Deputy Commandant for Administration, CG Vice Admiral Rolando Lizor Punzalan said all countries are prone to oil spill incidents as ships traverse oceans to support the global economy.

"Oil spill incidents will continue as long as the oceans remain our means of transporting oil efficiently. For this unavoidable nature of oil spill incidents, we gather here in the Regional MARPOLEX 2022 and think of the best ways to eliminate the harmful effects of these incidents," CG Vice Admiral Punzalan expressed.

Alam nyo ba na ang Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA), ang civilian volunteer force na siyang katuwang ng PCG, ay mas pinalakas at pinalawig sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa kasalukuyan, nasa 19,767 ang miyembro ng PCGA, kung saan 19,510 dito ay PCG Regular Auxiliarists at 257 ang PCG Executive Auxiliarists na binubuo ng mga fishermen, boat owners, operators, at community leaders na boluntaryong nakiisa sa ahensiya at boluntaryong ibinibigay ang kanilang oras at kakayahan upang makatulong sa ating mga kababayan at komunidad.

ANO NGA BA ANG LAYUNIN NG PCGA?

Subcategories