MENU

Sa pagbisita sa Pag-asa Island, hindi pinalagpas ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, Admiral George V Ursabia Jr ang pagkakataon na ito para kilalanin at pasalamatan ang mga kapitan ng BRP Gabriela Silang (OPV-8301) at BRP Cabra (MRRV-4409) na nangunguna sa pagpapaigting ng presensya ng PCG sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ay walang iba kung hindi sina COMMANDER ALBERTO FERRE at COMMANDER ERWIN TOLENTINO.

Sa paggawad sa kanila ng AWARD OF DISTINGUISHED COAST GUARD CROSS AND RIBBON, binigyang pagpupugay ang kanilang KABAYANIHAN sa kabila ng kapahamakang hinaharap para magampanan ang sinumpaang tungkulin sa bayan.

Dagdag pa rito, kinilala rin ni Admiral Ursabia ang 72 PCG personnel ng BRP Gabriela Silang (OPV-8301) at 30 PCG personnel ng BRP Cabra (MRRV-4409) na katuwang nina COMMANDER FERRE at COMMANDER TOLENTINO sa pagpapanatili ng seguridad at kaligtasan, lalo na ng mga lokal na mangingisda sa WPS.

Higit sa lahat, sinisiguro nila na naipapatupad ang mga batas pandagat at naitataguyod ang marine environmental protection sa malawak na katubigan ng bansa.

SALUDO SA INYO ANG SAMBAYANANG PILIPINO!