MENU

Rumesponde ang Philippine Coast Guard (PCG) sa 14 na pasahero ng bangkang nasiraan habang binabaybay ang katubigan ng Caluya, Antique, partikular sa gitna ng Sibolo Island at Semirara Island, noong ika-15 ng Hunyo 2021.

Biyahe mula Liwagao Island papuntang Barangay Dawis, Caluya ang MBCA FRINCE ZOEY nang hindi inaasahang makaranas ng ‘engine trouble’.

Agad na sumaklolo ang joint search and rescue (SAR) team ng PCG Sub-Station Semirara at PCG Sub-Station Caluya, katuwang ang Philippine National Police (PNP), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at Disaster Response Team (DRT) ng Semirara, para masiguro ang kaligtasan at matiwasay na pag-uwi ng mga pasahero.