MENU

Bakunado na ang anim na working dogs ng Philippine Coast Guard (PCG) K9 Field Operating Unit – Southern Mindanao, matapos ang kanilang annual veterinary check-up at health monitoring, sa tulong ng PCG Veterinary Service noong ika-15 ng Hunyo 2021.

Liban sa pagpapabakuna, sumailalim din ang mga Coast Guard Working Dogs (CGWDs) sa deworming at kennel inspection para masiguro ang kanilang proteksyon laban sa anumang sakit habang patuloy na nagseserbisyo sa gitna ng pandemya.