MENU

Nasa 50 house repair kits ang maingat na isinakay ng mga PCG personnel ng Coast Guard District Western Visayas sa BRP Nueva Vizcaya (SARV-3502) kahapon, ika-20 ng Disyembre 2021.

Ito ay para makatulong sa pagsasaayos ng mga nasirang bahay sa probinsya kasunod ng pananalasa ng Bagyong #OdettePH.

Dagdag pa rito ang 900 food packs at 500 hygiene kits na ipapamahagi sa mga apektadong pamilya sa Negros Occidental.

Mula Lapuz Wharf, Iloilo City, ligtas na nakarating ang naturang supplies sa BREDCO Port, Bacolod City.