MENU

Biyaheng Roxas, Palawan ang BRP Batangas at BRP Corregidor ng Philippine Coast Guard (PCG) para maghatid ng relief supplies sa mga residente mula Port Area, Manila ngayong araw, ika-22 ng Disyembre 2021.

Ang munisipalidad ng Roxas ay isa sa pinaka-napinsala ng Bagyong #OdettePH sa pananalasa nito noong nakaraang linggo.

Liban sa kahun-kahong mineral water at food packs, may dala ring family hygiene supplies ang PCG para maitaguyod ang kaligtasan at kalusugan ng mga residente gayong nagpapatuloy pa rin ang banta ng pandemya.