MENU

Mula Panacan, Davao City, bumiyahe pa-Surigao del Norte ang BRP Cape San Agustin (MRRV-4408) para maghatid ng 3,600 family relief packs mula sa DSWD kahapon, ika-21 ng Disyembre 2021.

Dagdag pa rito, ibiniyahe rin ng naturang Philippine Coast Guard (PCG) vessel ang 89 na galon ng mineral water at 40 piraso ng flashlight na donasyon ng PCG Auxiliary (PCGA) 802nd Squadron, gayundin ang 100 kahon ng mineral water na mula naman sa PCG District Southeastern Mindanao.

Sa mga nais magpahatid ng karagdagang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong #OdettePH, maaring mag-deposito ng CASH DONATIONS sa Land Bank of the Philippines (LBP) account ng PCG Foundation.

LAND BANK OF THE PHILIPPINES

Account Name: PCG Support System Foundation Inc.

Account Number: 0281-1025-75

Sa mga residente ng Davao City na nais magbigay ng in-kind donations, maaaring dalhin ang mga ito sa PCG District Southeastern Mindanao, Km 11, Sasa Wharf, Sasa, Davao City.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa malawakang relief transport mission ng PCG District Southeastern Mindanao, makipag-ugnayan lamang gamit ang mobile number na ito: 0955-508-3665.

MARAMING SALAMAT PO!