MENU

Bitbit ang iba't-ibang laruan, binisita ng Philippine Coast Guard (PCG) District Northern Mindanao ang Siargao Island para makapagbigay-saya sa mga kabataan, sa kabila ng kasalukuyang sitwasyon ng isla matapos ang pananalasa ng Bagyong #OdettePH.

Pinangunahan ni PCG District Northern Mindanao Commander, CG Captain Geronimo Tuvilla ang pamamahagi ng laruan sa mga kabataan.

Nagpasalamat naman ang mga magulang sa mga PCG personnel na patuloy na nagmamalasakit sa kapwa, lalo na sa panahon ng sakuna.