MENU

Limang sako ng dog food ang ipinamahagi ng Philippine Coast Guard (PCG) District Northern Mindanao para mapakain ang mga alagang aso sa Siargao Island.

Naganap ito kasabay ng nagpapatuloy na disaster relief operation ng PCG sa isla tungo sa rehabilitasyon ng mga apektadong pamilya.

Nagpasalamat ang mga residente sa inisiyatibong ito ng mga PCG personnel, lalo na sa panahong hirap sila sa pagkain at inumin dahil sa pananalasa ng Bagyong #OdettePH.