MENU

Patuloy na dumadagsa ang donasyon mula sa iba't-ibang ahensya ng gobyerno, organisasyon, at pribadong indibidwal sa Luzon para sa mga residente ng Visayas at Mindanao na bumabangon sa epekto ng Bagyong #OdettePH.

Sa katunayan, lubos ang pasasalamat ni Philippine Coast Guard (PCG) District Northwestern Luzon Commander, CG Commodore Inocencio C Rosario Jr sa mga 'donors' sa La Union at Pangasinan na nagtitiwala sa PCG, partikular sa relief transport mission nito para mabilis na maihatid ang kinakailangang tulong sa iba't-ibang probinsya na hinagupit ng bagyo.

Agad na dinadala ang mga donasyon sa PCG National Headquarters para maisakay sa mga Coast Guard vessels na naka-deploy para tumulong sa rehabilitasyon ng mga lugar na nasalanta ng nagdaang kalamidad.