MENU

Sa pagbisita ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, Admiral George V Ursabia Jr sa Kalayaan Island Group (KIG), binigyang diin niya ang kahalagahan ng pagpapakita ng presensya ng Pilipinas sa naturang katubigan, sa pamamagitan ng pagwawagayway ng ating pambansang watawat.

"Ipinapakita natin sa buong mundo na itong lugar ng Kalayaan Island Group ay atin. And we are doing it in a peaceful and rules-based manner — by raising our national flag high and with sense of pride," mensahe ni Admiral Ursabia.

Kaya naman ngayong araw, ika-28 ng Mayo 2021, kaisa ang PCG sa pagdiriwang ng NATIONAL FLAG DAY 2021 at pagsalubong sa PHILIPPINE INDEPENDENCE DAY 2021.

Mula ika-28 ng Mayo 2021 hanggang ika-12 ng Hunyo 2021, katuwang ang PCG sa pagtataguyod ng maayos na paggamit at pagpapakita ng ating pambansang watawat, alinsunod sa Republic Act No. 8491 o ang "Flag and Heraldic Code of the Philippines".