MENU

Bago maglayag pauwi ng Pilipinas, binati nina Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Maritime, CG Admiral George V Ursabia Jr (Ret), at Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Artemio M Abu, ang sailing crew ng pangalawang 97-meter multi-role response vessel (MRRV) ng PCG — ang BRP MELCHORA AQUINO (MRRV-9702).

Naganap ito sa send-off ceremony ng naturang barko sa Shimonoseki Shipyard, Japan ngayong araw, ika-27 ng Mayo 2022.

Pinangungunahan ni CG Commander Patrick Babag ang sailing crew bilang Commanding Officer ng BRP Melchora Aquino (MRRV-9702).

Aabutin ng humigit-kumulang limang araw ang kanilang paglalayag kaya inaasahang makakarating sila sa katubigan ng Port Area, Manila sa ika-01 ng Hunyo 2022.