MENU

Pinangunahan ni Department of Transportation - Philippines (DOTr) Secretary Art Tugade ang DONNING AND OATH-TAKING CEREMONIES ng 103 bagong miyembro ng PCG Auxiliary (PCG) sa Panglao, Bohol ngayong araw, ika-29 ng Oktubre 2021.

Kasama si DOTr Undersecretary for Maritime, Admiral George Ursabia Jr, pinasalamatan ng Kalihim ang mga bagong 'AUXILIARISTS' ng 203rd, 210th, and 211th Squadrons ng PCGA sa kanilang pagnanais na maglingkod sa bayan.

Nanumpang silang maglalaan ng 'TIME, TALENT, AND TREASURE' sa pagtupad ng mga mandato ng PCG, partikular sa pagtataguyod ng MARINE ENVIRONMENTAL PROTECTION at pagsasagawa ng HUMANITARIAN ASSISTANCE AND DISASTER RESPONSE OPERATIONS.

Nakibahagi rin sa naturang aktibidad sila Bohol Governor Arthur Yap, CG Commodore Agapito B Bibat ng Coast Guard District Central Visayas, at Auxiliary Commodore Holger Horn ng National Auxiliary Main Office (NAMO) Support Group.