Binabati ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 630 trainees ng Coast Guard Non-Officer's Course (CGNOC) Class 85 - 2021 "BAGSIK-LAYA" na sama-samang nakapagtapos noong ika-18 ng Abril 2022.

Pinangunahan ni PCG Commandant, CG Admiral Artemio M Abu ang kanilang graduation ceremony na naganap sa Coast Guard Regional Training Center sa Zamboanga City.

Sa kanyang mensahe, hinamon ni CG Admiral Abu ang mga bagong miyembro ng PCG na maging EHEMPLO ng kanilang henerasyon sa paglilingkod sa bayan at kapwa Pilipino.