MENU

Ipinahayag ng isang US citizen ang kanyang pasasalamat sa serbisyo ng mga Philippine Coast Guard (PCG) frontline personnel sa NAIA sa kasagsagan ng pandemya.

Gamit ang email address ng Presidential Complaint Center ni Pangulong Rodrgo Roa Duterte, ipinarating ni Mr. Joseph Diaz ang kanyang pagkilala sa mga PCG personnel na tumutulong sa mga airport passengers para maging ligtas ang kanilang pagbiyahe sa kabila ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

"Mister President, I write to you to compliment the Philippine Coast Guard members at the international airport. They were very professional, friendly, and very helpful to all struggling to do the right thing entering the protocols and inspections necessary at the airport," ani Mr. Diaz.

"They all should be commended, as well as the leadership of the Coast Guard," dagdag pa niya.

THANK YOU FOR YOUR KIND MESSAGE, MR. DIAZ!

WE ARE HONORED TO SERVE YOU!