MENU

Daan-daang senior citizen at kabataan ang nakatanggap ng medical check-up at mga gamot mula sa Philippine Coast Guard (PCG) at 'Doctors on Boat' ng Philippine Medical Association (PMA) sa isinagawang medical mission sa Calumpit, Bulacan ngayong araw, ika-02 ng Disyembre 2020.

Kaninang alas kwatro ng umaga, bumiyahe ang PCG at PMA mula Maynila dala ang kahung-kahong gamot sa ubo, sipon, lagnat, at bitamina para maitaguyod ang kalusugan ng mga residente ng Purok 5 and 6, Barangay San Miguel-Meysulao sa Calumpit, Bulacan na lubhang naapektuhan ng Bagyong Ulysses.

Katuwang ang PNP - Maritime Group, namahagi rin ang PCG at PMA ng humigit-kumulang 650 na relief pack para makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga apektadong pamilya.