MENU

Mahigpit na binabantayan ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Isabela ang mga pantalan at port passenger terminals sa Isabela City, Basilan bilang pakikiisa sa OPLAN BALIK ESKWELA 2022 simula kahapon, ika-15 hanggang ika-29 ng Agosto 2022.

Naka-deploy ang mga PCG security personnel, K9 teams, medical officers, at PCG Auxiliary 301st Squadron volunteers para masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga estudyante at iba pang pasahero ng mga sasakyang pandagat sa siyudad.

https://www.facebook.com/coastguardisabela/posts/167358529182834