MENU

Ilang Philippine Coast Guard (PCG) frontline personnel ang boluntaryong nag-donate ng ‘CONVALESCENT PLASMA' matapos ang kanilang matagumpay na paggaling sa COVID-19.

Nagsimula ang ‘convalescent plasma donation drive’ sa Port Area, Maynila noong Lunes, ika-26 ng Abril 2021 at tatagal hanggang mamayang hapon, ika-28 ng Abril 2021.

Layon ng inisiyatibong ito na hikayatin ang mga FULLY RECOVERED PCG FRONTLINE PERSONNEL na tumulong sa pagpaparami ng supply ng 'convalescent plasma' sa bansa gayong nagtataglay ito ng 'antibodies' na kayang i-neutralize ang nakakahawang virus.

Samantala, liban sa convalescent plasma donors, nakibahagi rin sa inisiyatibong ito ang mga regular blood donors sa PCG para makatulong sa mga pasiyenteng nangangailangan ng blood transfusion.