MENU

Simula kahapon, ika-19 ng Oktubre 2021, nag-deploy ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mga bus para maserbisyuhan ang dumaraming pasahero ng EDSA busway.

Ayon kay Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) Chief Manuel Gonzales, inaasahan ang pagdagsa ng mga pasahero sa EDSA kasunod ng mas maluwag na Alert Level 3 sa National Capital Region (NCR).

Kahapon, mahigit 600 pasahero ang naisakay ng PCG buses.

Magpapatuloy ang libreng sakay ng PCG sa rutang MOA – PITX – Monumento at balikan mula 07:00 a.m. hanggang 10:00 p.m. Tatagal ito hanggang Biyernes, ika-22 ng Oktubre 2021.

Bilang isa sa mga attached agencies ng Department of Transportation - Philippines (DOTr), kaisa ang PCG sa pagpapabuti ng pampublikong transportasyon, hindi lamang sa mga pantalan, kundi pati sa mga kalsada, istasyon ng tren, at paliparan sa bansa.