MENU

Lubos ang pasasalamat ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Armed Forces and Police Mutual Benefit Association, Incorporated (AFPMBAI) sa patuloy na pagsuporta nito sa organisasyon kahapon, ika-21 Setyembre 2022.

Tinanggap ni PCG Commandant, CG Admiral Artemio M Abu mula kay AFPMBAI President and CEO, Major General Rizaldo Limoso Philippine Army (Ret) ang karagdagang donasyon tulad ng television set, air conditioning unit, appliance, documentation equipment at camera, musical equipment, gayundin iba't-ibang office, sports, at medical supplies.

Binasbasan din ang bagong ambulansya ng kabilang sa donasyon ng AFPMBAI sa Coast Guard.

"I convey our deepest appreciation to AFPMBAI for their continued support to the PCG. These donations will definitely boost the morale, capability, and operational readiness of the PCG," ani CG Admiral Abu.