MENU

Nakibahagi ang Philippine Coast Guard (PCG) at PCG Auxiliary (PCGA) Executive Squadron sa "BRIGADA ESKWELA 2022" ng Baclaran Elementary School sa ParaΓ±aque City kahapon, ika-08 ng Agosto 2022.

Sama-sama ang mga PCG personnel at PCGA members sa pagpipintura ng mga silid-aralan at paglilinis ng naturang eskwelahan bilang paghahanda sa nalalapit na pagsisimula ng klase.

Dagdag pa rito, naghandog din ang PCG at PCGA ng mga school supplies para sa mga estudyante ng Baclaran Elementary School. Nakatanggap ang mga kabataan ng bag, lapis, notebook, papel, pambura, pantasa, pang-kulay, plastic envelope, COVID-19 kit, at hygiene kit.

Mayroon ding walis tambo, dustpan, food container, payong, at printing materials para naman makatulong sa pangangailangan ng mga guro.

Lubos ang pasasalamat ng Baclaran Elementary School kila CG Captain Eric Ferrancullo, Auxiliary Rear Admiral Morrys Ang, at Auxiliary Commodore Ramon Chuaying na nanguna sa naturang aktibidad.

Kinilala ng paaralan ang kahalagahan ng partisipasyon ng PCG at PCGA sa "BRIGADA ESKWELA 2022" na layong masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga kabataan sa kabila ng nagpapatuloy na pandemya.